Sa Xi-An, kabisera ng lalawigang Shanxi, dumating dito kahapon ng hapon si Punong Ministrong Najib Razak ng Malaysia para pasimulan ang kanyang pagdalaw sa Tsina.
Sa kanyang pakikipag-usap sa Punong Ministro ng Malaysia, ipinahayag ni Lou Qinjian, Gobernador ng lalawigang Shanxi ang mainit na pagsalubong sa pagdalaw ng mga bisitang Malaysian sa Tsina, sa pagdiriwang ng ika-40 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng dalawang bansa.
Ipinahayag naman ni Najib na positibo ang Malaysia sa pakikipagtulungan nito sa Tsina. Nanalig aniya siyang pasusulungin pa ng kasalukuyang pagdalaw ang tradisyonal na pagkakaibigan at ang estratehikong pagtutulungan ng dalawang bansa.