Kinumpirma kahapon ng isang mataas na opsiyal ng Pentagon na, sa malapit na hinaharap, magdedeploy ang tropang Amerikano sa Timog Korea ng Terminal High-Altitude Area Defense, isang uri ng maunlad na anti-missile system.
Ayon pa rin sa nabanggit na opisyal, ito ay bilang tugon sa mga probokasyong isinagawa kamakailan ng Hilagang Korea.
Kaugnay nito, ipinahayag kahapon ni Tagapagsalita Qin Gang ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang pagdedeploy ng anti-missile system sa Korean Peninsula ay hindi makakabuti sa katatagan at estratehikong balanse sa rehiyong ito. Umaasa aniya ang panig Tsino na lubos na isasaalang-alang ng panig Amerikano ang makatwirang pagkabahala ng mga may kinalamang bansa.
Salin: Liu Kai