Ipinahayag kahapon ng Ministring Panlabas ng Rusya ang pagkabahala sa paglala ng tensyon sa mga lugar sa silangang Ukraine.
Sinabi ng nabanggit na ministri na ang isinasagawang aksyong militar ng pamahalaan ng Ukraine sa mga lugar sa silangan ng bansang ito ay nagdudulot ng mga kasuwalti. Tinatawag ng panig Ruso ang naturang aksyong militar na "digmaan ng pagpatay sa kapwa" at muling hinihiling sa pamahalaan ng Ukraine na itigil ito.
Dagdag pa ng panig Ruso, dapat simulan ng pamahalaan ng Ukraine, sa lalong madaling panahon, ang pambansang diyalogo na lalahukan ng mga kinatawan mula sa iba't ibang paksyong pulitikal at iba't ibang lugar ng bansa, para makita ang solusyon sa kasalukuyang grabeng krisis ng Ukraine.
Salin: Liu Kai