Binuksan ngayong araw sa Singapore ang 2014 Shangri-La Dialogue o tinatawag ding International Institute for Strategic Studies Asia Security Summit. Kalahok sa tatlong-araw na pulong na ito ang mga puno ng pamahalaan, ministro ng tanggulan, mataas na opisyal militar, at iskolar sa larangan ng seguridad mula sa 28 bansa ng Asya-Pasipiko at Europa.
Magtatalumpati sa kasalukuyang pulong si Wang Guanzhong, Deputy Chief of General Staff ng People's Liberation Army ng Tsina. Ilalahad niya ang konsepto sa seguridad ng Asya na iniharap kamakailan ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina. Isasalaysay niya ang mga ginawa ng tropang Tsino hinggil sa pagpapatupad ng naturang konsepto at pagsasagawa ng pandaigdig na kooperasyong panseguridad. Ihaharap din niya ang mungkahi hinggil sa pagpapalakas ng rehiyonal na kooperasyong panseguridad.
Salin: Liu Kai