Kinumpirma kahapon ng White House na lalahok si Pangulong Barack Obama sa selebrasyon ng ika-70 anibersaryo ng Normandy landings na idaraos sa ika-6 ng susunod na buwan sa Normandy, Pransya. Pero, hindi makikipagtagpo si Obama kay Pangulong Vladimir Putin ng Rusya na kalahok din sa selebrasyong ito.
Sa kabilang banda, ayon pa rin sa White House, sa panahon naman ng kanyang pagdalaw sa Poland, makikipagtagpo sa ika-4 ng susunod na buwan si Obama kay bagong halal na Pangulong Petro Poroshenko ng Ukraine.