Sa isang debatehan sa 2014 Shangri-La Dialogue na idinaos kahapon ng hapon sa Singapore, inilahad ni Fu Ying, Puno ng Foreign Affairs Committee ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina, ang kuro-kuro ng kanyang bansa sa kalagayang panseguridad at mga pinagtatalunang isyu sa rehiyong Asya-Pasipiko.
Ipinahayag ni Fu na ang kapayapaan at katiwasayan ay pangunahing dahilan sa mabilis na pag-unlad ng rehiyong ito nitong 20 taong nakalipas. Aniya, iniharap kamakailan ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang konsepto ng seguridad ng Asya, at umaasa ang panig Tsino na masasamantala ang kasalukuyang Shangri-La Dialogue, para mapakinggan ang palagay ng iba't ibang bansa ng rehiyong ito sa nabanggit na konsepto.
Pagdating naman sa mga pinagtatalunang isyu sa dagat, tinukoy ni Fu na igigiit ng Tsina ang posisyon ng mapayapang paglutas sa mga hidwaan, pero gagawa rin ito ng malakas na reaksyon sa mga probokasyon sa naturang isyu. Ito aniya ay naglalayong pangalagaan hindi lamang ang sariling soberanya at kapakanan ng Tsina, kundi maging ang kapayapaan at katatatagan ng buong rehiyong ito.