|
||||||||
|
||
Sa kanyang pagdalo sa Shangri-La Dialogue na idinaos sa Singapore, sinabi kahapon ni Fu Ying, Direktor ng Lupon ng mga Suliraning Panlabas ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina (NPC), na dapat isabalikat ng iba't ibang bansa ang responsibilidad sa pagpapasulong ng mapayapang paggamit ng dagat at pangangalaga sa kapaligirang pandagat.
Sinabi pa ni Fu na hindi dapat baliktarin ng anumang bansa ang nilalaman ng mga batas na pandaigdig. Dagdag pa niya, dapat itigil ng Hapon ang pamamaril sa mga whale sa ngalan ng siyentipikong pananaliksik.
Kaugnay ng kalayaan at kaligtasan ng paglalayag na pandaigdig, sinabi ni Fu na nitong taong nakalipas, aktibong lumahok ang bansang Tsina sa mga kooperasyong panseguridad hinggil sa paglalayag na pandaigdig.
Sinabi pa niya na nakahanda ang Tsina na patuloy na lumahok sa mga kooperasyong pandagat sa ilalim ng mga multilateral na mekanismo.
Bukod dito, inilahad ni Fu ang bagong ideyang panseguridad ng Aysa na iniharap ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa katatapos na Conference on Interaction and Confidence-Building Measures in Asia (CICA) sa Shanghai. Sinabi ni Fu, na sa ikalawang dekada ng ika-21 siglo, dapat lutasin ng mga bansa ang mga isyu at hidwaan sa pamamagitan ng bagong ideya sa halip na digmaan at sagupaan, na malawak na ginamit noong ika-19 siglo.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |