|
||||||||
|
||
Sa kanyang talumpati kahapon sa Shangri-La Dialogue na idinaos sa Singapore, inilahad ni Wang Guanzhong, Pangalawang Puno ng Pangkalahatang Estado Mayor ng People's Liberation Army (PLA) ng Tsina, ang paninindigang Tsino sa pagpapasulong ng kooperasyong panseguridad sa rehiyong Asya-Pasipiko.
Ayon kay Wang, ang mga mungkahi na iniharap ng panig Tsino ay kinabibilangan ng pagpapalalim ng pagpapalitan at pagtitiwalaan, pagtutulungan sa mga gawaing panaklolo at pagharap sa mga hamon, magkakasamang pangangalaga sa kaligtasang pandagat, at pagtatatag ng mekanismo ng paghawak sa mga hidwaan.
Bukod dito, inilahad din ni Wang ang mga gawain ng Tsina sa paglahok sa mga kooperasyong panseguridad sa rehiyong ito.
Kaugnay ng mga naunang talumpati nina Punong Ministro Shinzo Abe ng Hapon at Kalihim Chuck Hagel ng Tanggulan ng Amerika, sinabi ni Wang na hindi kailaman ay gumaga ng probokasyon ang Tsina sa mga karatig na bansa. Aniya pa, ang mga ginawang hakbangin ng Tsina ay naglalayong ipagtanggol ang sariling kapakanan at magbigay ng reaksyon sa mga probokasyon.
Pagkatapos ng talumpati, ipinaliwanag ni Wang ang paninindigang Tsino hinggil sa Nine-dash Line sa South China Sea. Inilahad niya ang mga palatandaan sa isyung ito na kinabibilangan ng mga katotohanang historikal, Cairo Declaration, Potsdam Proclamation, at ibang mga may kinalamang batas na pandaigdig.
Inulit din ni Wang na palagiang iginigiit ng Tsina ang paglutas sa mga hidwaan sa South China Sea, sa pamamagitan ng mapayapang talastasan ng mga direktang may kinalamang bansa.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |