Ayon sa pahayag na ipinalabas kahapon ng Misyon ng United Nations (UN) sa Iraq, noong nagdaang Mayo, 199 na katao ang nasawi sa mga teroristikong pag-atake at sagupaan sa bansang ito. Bukod dito, 1409 ang nasugatan.
Ayon pa rin sa naturang pahayag, 603 sa mga nasawi at 1108 sa mga nasugatan ang mga sibilyang Iraqi.
Matinding kinondena ni Nickolay Mladebnov, Puno ng Komisyon ng UN sa Iraq, ang naturang mga marahas na aksyon na nakapinsala sa katatagan ng bansang ito. Umaasa aniya siyang isasagawa ng mga lider ng Iraq ang mga katugong hakbangin sa lalong madaling panahon, para lutasin ang isyung ito.