Kaugnay ng tatlong tungkulin sa "planong pangangasiwa sa estado" na iniharap kamakailan ng panig militar ng Thailand pagkaraan ng kudeta, ipinalalagay ng mga tagapag-analisa na madali ang unang tungkulin ng pagpapanumbalik ng katiwasayan at katatagan ng bansa, pero mahirap ang dalawang iba pa hinggil sa pagsasagawa ng reporma at pagdaraos ng pambansang halalan.
Ipinahayag ng mga tagapag-analisa na ang reporma sa sistemang pulitikal ay pinakamahalagang isyu ng Thailand, at ito rin ay paunang kondisyon para sa pagdaraos ng pambansang halalan. Anila, malaking hamon sa panig militar kung kakatig o hindi sa kanilang isasagawang reporma ang iba't ibang antas ng lipunan ng Thailand, lalung-lalo na ang mga karaniwang mamamayan mula sa nakabababang antas.
Salin: Liu Kai