|
||||||||
|
||
Ayon sa panig pulisya ng Iraq, 30 katao ang nasawi kahapon sa mga marahas na pag-atake at sagupaan. Bukod dito, 46 ang nasugatan.
Ang lalawigang Anbar ng bansang ito ay lugar na pinakamalubhang naapektuhan ng naturang mga pag-atake at sagupaan. Ayon sa datos, 26 sa mga nasawi at 46 sa mga nasugatan ay galing sa lalawigang Anbar.
Bukod dito, naganap din ang mga pag-atake sa mga lunsod ng Baiiji at Mosul.
Salin: Ernest
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |