|
||||||||
|
||
Ipinalabas kahapon ni Nabil Abu Rdainah, Tagapagsalita ng Palasyong Pampanguluhan na winewelkam ng mga bansang Arabe, Europa, Rusya, Tsina at iba pang bansa ang pagkakatatag ng bagong magkasanib na pamahalaan ng Palestina. Ito ay nagpapakita na kinikilala ng komunidad ng daigdig ang karapatan ng pagkakatatag ng estado ng mga mamamayan ng Palestina at kinakatigan ng komunidad ng daigdig ang pagkakatatag ng sariling estado ng Palestina.
Nanumpa sa tungkulin ang bagong pamahalaan ng Palestina noong ikalawa ng buwang ito at ito ay sumasagisag sa pagtatapos ng paghihiwalay ng naturang bansa na dinulot ng dalawang malaking paksyong pulitikal ng Palestina ang Palestine National Liberation movement(Fateh) at Palestinian Islamic Resistance Movement (Hamas).
Sinipi kahapon ng media ang pananalita ni Benjamin Netanyahu, Punong Ministro ng Israel, na nagsasabing ang Hamas ay "teroristikong organisasyon" na kontra sa Israel, at hindi maaaring tanggapin ng kanyang bansa ang magkasanib na pamahalaan ng Fateh at Hamas.
Salin:Sarah
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |