Kaugnay ng pagpapahayag ng G7 ng pagkabahala sa kasalukuyang kalagayan sa East China Sea at South China Sea, ipinahayag ngayong araw ni Tagapagsalita Hong Lei ng Ministring Panlabas ng Tsina na iginigiit ng kanyang bansa ang pangangalaga sa kapayapaan at katatagan ng dalawang karagatang ito, at ang pagtutulungan at pag-unlad ng iba't ibang bansa ng rehiyong ito. Aniya, pagdating sa mga pinagtatalunang isyung panrehiyon, dapat maging makatarungan ang mga bansa galing sa labas ng rehiyong ito.
Binigyang-diin din ni Hong na ang pagsasadaigdig ng mga pinagtatalunang isyu at pakikialam ng mga panig na walang kaugnayan sa mga isyung ito ay hindi makakatulong sa paglutas sa mga isyu. Ito aniya ay magpapasalimuot lamang sa mga pinagtatalunang isyu, at hindi makakabuti sa kapayapaan at katatagan ng rehiyon.
Salin: Liu Kai