Ayon sa Xinhua News Agency, ipinasiya kahapon ng Thai National Anti-Corruption Committee (NACC) na imbestigahan ang ari-arian at utang ng limang dating opisyal ng pamahalaan na kinabibilangan nina Yingluck Shinawatra, dating Punong Ministro, Nivatthamrong Boonsongpaisal, dating Ministro ng Komersyo ng bansa. Ito ay naglalayong linawin kung kumita sila o nagkamal ng ari-arian sa pamamagitan ng pagbili ng bigas.
Noong ika-8 ng nagdaang buwan, sa katuwirang umiral ang katiwalian sa proyekto ng pagbili ng bigas, nagsampa ang NACC ng kaso laban kay Yingluck, at iminungkahi rin nito ang Mataas na Kapulungan na pasimulan ang impeachment proceedings. Kung mapapatunayang nagkasala si Yingluck sa naturang kaso, posible siyang mapatawan ng parusang political ban sa loob ng limang taon, at diskuwalipikasyon sa halalan ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa susunod na buwan.
Salin: Li Feng