|
||||||||
|
||
Sinabi kahapon ni Mikhail Zurabov, Embahador ng Rusya sa Ukraine, na natamo ang progreso ng dalawang bansa sa pagtatatag ng relasyong pandiyalogo, pero malayo pa rin itong manumbalik sa normal na takbo.
Sinabi niya na ipinalabas ng kanyang bansa ang hudyat sa pagsasagawa ng diyalogo at kooperasyon sa kasalukuyang pamahalaan ng Ukraine na gaya ng maiksing pagtatagpo nina Pangulong Vladimir Putin at Pangulong Petro Poroshenko sa Pransya, pagpapanumbalik ng relasyong diplomatiko ng dalawang bansa, at pagpapadala ng sugo sa inagurasyon ng Pangulo ng Ukraine.
Kaugnay ng krisis sa Ukraine, sinabi ni Zurabov na ang kasalukuyang pinakamahalagang bagay ay pagpapatigil ng madugong sagupaan sa dakong silangan ng bansang ito at pagpapanumbalik ng makataong kalagayan. Ito aniya ay ang paunang kondisyon para sa paglutas ng mga isyu hinggil sa krisis.
Salin: Ernest
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |