|
||||||||
|
||
Bumigkas si Ambassador Erlinda Basilio ng mensaheng pambati
Ipinagdiwang ngayong araw sa Pasuguan ng Pilipinas sa Beijing sa pamamagitan ng isang konsierto at salu-salo ang ika-13 Friendship Day ng Pilipinas at Tsina. Ang aktibidad ay magkasamang itinaguyod ng pasuguan at ng China Radio International Serbisyo Filipino. Ang tema ng pista ay "Hawak-kamay."
Sa araw na ito ginugunita rin ang ika-39 na anibersaryo ng pagkakatatag ng diplomatikong relasyon ng dalawang bansa.
Sa kanyang mensaheng pambati sinabi ni Ambassador Erlinda Basilio na ang pagdiriwang ay ihinalintulad sa isa pistang Pinoy na magsisilbing tsanel para makakilala ng bagong kaibigan, mapaigting ang samahan at mapalalim ang ugnayan.
Dagdag pa ni Amb. Basilio na ang pagdiriwang ngayong araw ay isang paraan para gunitain ang mahabang kasaysayan ng Tsina at Pilipinas, di lamang bilang magkapitbansa kundi bilang mabuting kaibigan.
Dumalo sa Friendship Lunch and Concert si Counselor Bai Tian ng Asia Department, Ministry of Foreign Affairs, mga kawani ng iba't ibang departamento ng China Radio International, guro at estudyante ngPeking University Philippine Studies Department at Beijing Sports University.
Report: Mac Ramos/Photo: Ernest Wang
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |