|
||||||||
|
||
Erlinda F. Basilio at Liu Juanchao habang binabati ang isat-isa
Isang selebrasyon bilang pagdiriwang sa 116 na Anibersaryo ng Kasarinlan ng Pilipinas, ang idinaos ngayong araw sa Legendale Hotel, sa Beijing.
Sa kanyang pambungad na talumpati, sinabi ni Erlinda F. Basilio, Embahador ng Pilipinas sa Tsina, na habang nagpupunyagi ang Pilipinas na abutin ang pangarap na kalayaan at kasarinlan, mataas din nitong pinahahalagahan ang pakikipagmabutihan sa lahat ng bansa sa mundo, upang maisulong ang kapayapaan, mutuwal na pagkakaunawaan, at kasaganaan.
Dagdag pa ni Basilio, "ang mundong ating kasalukuyang ginagalawan at ang mga hamon na kinakaharap ng lahat ng bansa ay mga buhay na palatandaan, na ang lahat ng mga mamamayan at bansa ay kailangang maghawak-kamay at magkapit-bisig upang mapagtagumpayan ang mga hadlang tungo sa kasaganaan."
Nagpasalamat din si Basilio sa tulong na ipinagkaloob ng Tsina sa Pilipinas nang manalanta sa bansa si Bagyong Yolanda noong nakaraang taon.
Keyk ng pagkakaibigan
"Nagpapasalamat ako sa pamahalaan at mga mamamayang Tsino sa kanilang substansyal na tulong sa mga hakbangin ng Pilipinas upang pag-ibayuhin at pag-igihing muli ang buhay ng mga taong naapektuhan ni Yolanda," anang Embahador Pilipino.
Dagda pa niya, ikinagagalak ng Pilipinas ang tulong ng mga mamamayan at pamahalaang Tsino.
Ipinahayag din ni Basilio ang pag-asang patuloy pang lalago ang pag-uugnayan, magandang partnership, at matibay na pagkakaibigan ng mga mamamayang Pilipino at Tsino.
Sa pagpupunyagi ng Pasuguan ng Pilipinas sa Beijing, halos 250 katao, mula sa Diplomatic Corps; mga opisyal ng Ministri ng Ugnayang Panlabas ng Tsina; mga miyembro ng media, akademiya; at iba pang natatanging personahe sa bansa ang dumalo sa nasabing pagtitipon.
Dumalo sa nasabing pagtitipon si Liu Jianchao, dating embahador ng Tsina sa Pilipinas, na ngayon ay Asistenteng Ministro ng Ministri ng Ugnayang Panlabas ng Tsina.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |