Idinaos kahapon sa Yangon, Myanmar, ang pulong ng mga mataas na opisyal ng ASEAN Regional Forum (ARF). Tinalakay sa pulong ang hinggil sa pagharap sa mga hamon sa kapayapaan at katatagan ng Asya na gaya ng mga isyung naiwan mula noong World War II at Cold War, hidwaan sa teritoryo sa dagat, terorismo, cyber security, transnasyonal na krimen, at iba pa.
Sa pulong na ito, inilahad ni Liu Zhenmin, Pangalawang Ministrong Panlabas ng Tsina ang hinggil sa ideya sa seguridad ng Asya na iniharap ni Pangulong Xi Jinping. Pinaninindigan aniya ng Tsina na dapat pasulungin ang rehiyonal na integrasyong pangkabuhayan, pabutihin ang multilateral na kooperasyon, at itatag ang balangkas na panseguridad na angkop sa pangangailangan ng iba't ibang bansa ng rehiyong ito.
Ipinahayag din ni Liu ang pagkatig ng kanyang bansa sa mga mekanismo ng kooperasyong panrehiyon na pinamumunuan ng ASEAN, na gaya ng ARF, ASEAN Defense Ministers' Meeting Plus, at iba pa.
Salin: Liu Kai