Sa Vientiane, Laos, inilipat kahapon ng panig pulisya ng Laos sa panig pulisya ng Tsina ang limang suspek ng isang malaking kaso ng transnasyonal na pagpupuslit ng droga.
Noong ika-19 ng nagdaang Marso ng taong ito, sa kanilang magkasanib na pagpapatrolya sa Mekong River, natuklasan ng mga pulis ng Tsina at Laos ang naturang kaso. Dinakip nila ang limang suspek at nasamsaman ang 579.7 kilong droga.
Pagkaraan ng pagsasanggunian ng dalawang bansa, inilipat sa panig Tsino ang mga suspek para sa ibayo pang imbestigasyon.
Salin: Liu Kai