|
||||||||
|
||
Si Premiyer Li Keqiang ng Tsina
Sa isang ulat hinggil sa kalagayang pangkabuhayan na ginawa kahapon, ipinahayag ni Premyer Li Keqiang ng Tsina, na dapat igiit ang pangkalahatang direksyon ng makro-kontrol, at walang humpay na hanapin ang mga bagong ideya at paraan ng makro-kontrol, para mapanatili ang magandang takbo ng kabuhayan, at maigarantiya ang pagsasakatuparan ng mga target sa kabuhayan sa buong taong ito.
Sa ulat na ito, ginawa rin ni Li ang pag-aaral sa kasalukuyang kalagayang pangkabuhayan. Aniya, pagpasok ng taong ito, nananatiling masalimuot ang kapaligirang pangkabuhayan sa loob at labas ng bansa, malaki pa rin ang presyur at mga di-paborableng elemento sa kabuhayang Tsino, at hindi balanse ang pag-unlad ng kabuhayan sa iba't ibang lugar ng bansa.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |