Nagpalabas kamakailan ng artikulo si John Ross, Britanikong iskolar sa kabuhayan, na nagsasabing ang pagpuna ng Amerika sa isyu ng karapatang pantao ng Tsina ay hindi para ipagtanggol ang karapatang pantao. Ito aniya ang pangangatwiran lamang para batikusin ang Tsina, dahil hindi maka-Amerikano ang Tsina.
Sinabi ni Ross na natamo na ng Tsina ang malaking bunga sa usapin ng karapatang pantao. Halimbawa aniya, nabawasan ng Tsina ang 630 milyong mahihirap na populasyon, at umabot sa 100% ang contribution rate ng Tsina sa pagbabawas ng kahirapan ng daigdig.
Tinukoy ni Ross na pinawawalang-bahala ng Amerika ang naturang mga bunga ng Tsina sa karapatang pantao, at walang humpay na pinupuna ang isyu ng karapatang pantao ng Tsina. Pero aniya, hinding hindi binabanggit ng Amerika ang problema sa isyu ng karapatang pantao ng mga kaalyadong bansa nito na gaya ng Saudi Arabia, Bahrain, at iba pa.
Salin: Liu Kai