Sa okasyon ng ika-20 anibersaryo ng pagkakabisa ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS), sinabi ngayong araw ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina, na buong tatag na sinusunod ng kanyang bansa ang UNCLOS. Pinaninindigan aniya ng Tsina na dapat ipatupad ng iba't ibang bansa ang sariling karapatan, at isabalikat din ang mga obligasyon batay sa naturang konbensyon. Para naman sa mga suliraning hindi kalakip sa konbensyon, dapat sundin ang UN Charter at mga pandaigdig na batas.
Dagdag pa ni Hua, ipinalalagay ng Tsina na ang pinakamabisang paraan para mapayapang malutas ang pagtatalo sa dagat, ay pagsasagawa ng mga bansang may direktang kaugnayan sa isyu ng talastasan batay sa katototohanang pangkasaysayan at mga pandaigdig na batas. Ito aniya ay isang kilalang-kilalang paraan sa daigdig.
Salin: Liu Kai