Nalitis kahapon sa hukuman ng lalawigang Ha Tinh ng Biyetnam ang dalawang suspek na sangkot sa kaguluhan na naganap noong ika-14 ng Mayo.
Ayon sa ulat ng mass media ng Biyetnam, ang dalawang suspek na sina Le Trong Tu at Lo Minh Trong ay galing sa lalawigang Nghe An, pinaghihinalaan sila sa krimen ng pang-uumit sa kaguluhan sa lalawigang Ha Tinh. Ayon sa paglilitis, nahatulan ng 30 buwan si Le Trong Tu at 24 buwan si Lo Minh Trong.
31 katao ang pinaghihinalaang sangkot sa kaguluhan sa sonang pangkabuhayan ng lalawigang Ha Tinh. Sila ay kinasuhan at nadeteni ng public security sa dahilan ng panggugulo, pang-uumit, paninira ng ari-arian, at iba pang krimen.
Noong gitnang dako ng nagdaang Mayo, ginawa ng libu-libong Biyetnames ang marahas na insidente sa mga bahay-kalakal na dayuhan sa Biyetnam. Ikinamatay ito ng 4 na Tsino, ikinasugat ng mahigit 300 Tsino, at nagdulot ng malubhang pinsala sa ari-arian.
Salin: Andrea