|
||||||||
|
||
Ipinalabas kahapon ni Geng Yansheng, Tagapagsalita ng Ministri ng Tanggulang Pambansa ng Tsina, ang talumpati tungkol sa "Ulat ng Pag-unlad ng Militar at Situwasyong Panseguridad ng Tsina para sa Taong 2014" ng Estados Unidos.
Ayon kay Geng, sa naturang ulat, binatikos ng panig Amerikano ang pagiging mas matigas ng atityud ng panig Tsino sa aspekto ng soberanya ng teritoryo at hidwaan sa karapatan at kapakanan sa dagat. Ito anito ay nakakadagdag sa pagkabahala ng mga bansa sa rehiyong ito. Ngunit sa katotohanan, nitong ilang taong nakalipas, isinusulong aniya ng panig Amerikano ang estratehiyang "Rebalanse ng Asya-Pasipiko" kung saan ipinagdiinan ang seguridad militar at pinalakas ang eksistensiyang militar sa rehiyon. Bukod dito, ani Geng, dumalas ang pagdaraos ng panig Amerikano ng mga magkasanib na pagsasanay militar, partikular na walang humpay itong nagpapalabas ng maling signal sa isyu ng teritoryo, bagay na nakakapagbigay ng kaguluhan sa kapayapaan at kaligtasan sa rehiyon.
Dagdag pa ni Geng, ang naturang aksyon ng panig Amerikano ay grabeng nakakapinsala sa pagtitiwalaan ng dalawang panig.
Salin: Li Feng
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |