Ipinalabas kamakailan ng Tanggapan ng Impormasyon ng Konseho ng Estado ng Tsina ang White Paper na pinamagatang "Praktis ng 'Isang Bansa, Dalawang Sistema' sa Espesyal na Rehiyong Administratibo ng HK (HKSAR)" kung saan sistematikong inilahad ang natamong tagumpay ng "Isang Bansa, Dalawang Sistema" sa Hong Kong.
Nananalig ang ilang personaheng pulitikal at komersyal ng HK na ang layon ng pagpapalabas ng nasabing White Paper ay ipaliwanag ang praktis ng patakarang "Isang Bansa, Dalawang Sistema" sa HK sa halip na baguhin ang nilalaman ng patakarang ito. Ipinagpapatuloy ng White Paper ang isinasagawang patakaran ng pamahalaang sentral sa Hong Kong.
Salin: Li Feng