Isinalaysay kahapon ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina, na tinanggap na ng United Nations Educational, Scientific, and Cultural Organization (UNESCO) ang aplikasyon ng Tsina para ilakip sa Memory of the World Register ng UNESCO ang mga dokumento na may kinalaman sa 1937 Nanjing Massacre at mga aliping pandaigma o comfort women.
Kaugnay nito, ipinahayag naman ni Zhu Chengshan, pangunahing tagapagtaguyod ng gawain ng pagharap ng naturang aplikasyon, na sinimulan na noong 2009 ang gawaing ito, at buong sikap itong pinapasulong ng panig Tsino sapul noong. Aniya, inaasahang maaprobahan ang aplikasyon sa susunod na taon, na okasyon ng ika-70 anibersaryo ng tagumpay ng World Anti-Facist War at Chinese People's Anti-Japanese War.
Salin: Liu Kai