Si Cai Mingzhao, Puno ng Tanggapan ng impormasyon ng Konseho ng Estado ng Tsina
Sa kanyang talumpati sa 3rd ASEAN, China, Japan,South Korea Ministers Meeting Responsible for Information (AMRI+3) na idinaos kahapon sa Nay Pyi Taw, Myanmar, ipinahayag ni Cai Mingzhao, Puno ng Tanggapan ng impormasyon ng Konseho ng Estado ng Tsina, na positibo ang kanyang bansa sa pagpapalitan at pagtutulungan ng media ng 10+3.
Kaugnay nito, 3 mungkahi ang iniharap niya, kabilang ang pagpapasulong ng pragmatikong kooperasyon sa larangan ng impormasyon, pagpapahigpit ng kooperasyon sa pagitan ng mga emerging media, at pagbibigay-ginhawa sa pagpapalitan at kooperasyon ng media.
Samantala, isang magkasanib na komunike ang ipinalabas pagkaraan ng nasabing pulong.