Ipinatalastas kagabi ng National Council for Peace and Order (NCPO) ng Thailand na dahil humupa na ang kalagayang panseguridad, epektibo mula araw ring iyon, inalis na ang curfew sa buong bansa. Pero anito, patuloy ang pagpapairal ng martial law.
Ipinahayag din ng naturang konseho ang pagtatatag ng transisyonal na pamahalaan bago magtapos ang darating na Setyembre ng taong ito. Pagkaraang agawin ng panig militar ng Thailand ang kapangyarihan ng bansa noong ika-22 ng nagdaang Mayo, ito ang kauna-unahang pagpapalabas nito ng iskedyul hinggil sa pagtatatag ng transisyonal na pamahalaan.