Sinabi ng panig militar ng Ukraine na ibinagsak kaninang madaling araw, local time, ng sandatahang lakas na kontra-gobyerno ang isang transport plane na may lulang 49 na sundalo, malapit sa paliparan sa lunsod ng Lugansk sa silangang Ukraine.
Ayon pa rin sa Russian media, inamin ng organisasyong milisya ng Lugansk na ibinagsak nito ang nabanggit na eroplano ng panig militar. Sinabi ng puno ng organisasyong ito na ipinatalastas na nila noong ika-9 ng buwang ito ang pagsasara ng paliparan ng Lugansk at hindi pinahihintulutan ang paglapag ng anumang eroplano. Pero aniya, nagtangka pa rin ang panig militar na ilapag ang naturang transport plane, kaya ibinagsak nila ang eroplanong ito.
Sa isang may kinalamang ulat, nag-usap kahapon sa telepono sina Pangulong Vladimir Putin ng Rusya at Pangulong Jose Manuel Barroso ng European Commission hinggil sa kalagayan ng Ukraine. Binigyang-diin ni Putin na dapat agarang itigil ng pamahalaan ng Ukraine ang mga aksyong militar sa silangang bahagi ng bansa.