Patuloy ang pagpapalitan ng putok sa pagitan ng security forces ng Iraq at sandatahang lakas na kontra-gobyerno.
Nabawi kahapon ng security forces ang dalawang nayon sa lalawigang Diyala. Pero, nasa kamay pa rin ng sandatahang lakas na kontra-gobyerno ang Tikrit, punong lunsod ng lalawigang Salah-ad-Din.
Kaugnay ng kasalukuyang kalagayan ng Iraq, ipinahayag kahapon ni Pangulong Barack Obama ng Amerika na hindi magpapadala ang kanyang bansa ng tropang panlupa sa Iraq. Aniya, dapat lutasin muna ng pamahalaan ng Iraq ang mga isyung pulitikal, para makakuha ng anumang tulong na militar sa Amerika.