|
||||||||
|
||
Sa pamamagitan ng kanyang tagapagsalita, ipinalabas kagabi ni Pangkalahatang Kalihim Ban Ki-moon ng UN ang isang pahayag na mahigpit na kumukondena sa insidente ng pagpapabagsak nang araw ring iyon ng isang military transport aircraft ng Ukraine. Muli siyang nanawagang lutasin ang krisis ng Ukraine sa pamamagitan ng talastasan at diyalogo.
Anang pahayag, ang patuloy na sagupaan sa dakong silangan ng Ukraine ay nagdudulot ng parami nang paraming human casualty at lumalala nang lumalalang makataong kalagayan. Ipinalalagay anito ni Ban Ki-moon na ipinakikita nito ang kahalagahan ng pagtitigil ng sagupaan at paglutas ng krisis sa paraan ng talastasan.
Ayon pa sa pahayag, inulit ni Ban ang kanyang pagkatig sa bagong halal na Pangulo at mga mamamayan ng Ukraine.
Salin: Li Feng
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |