Pinabulaanan kamakailan ni Yi Xianliang, mataas na opisyal ng Ministring Panlabas ng Tsina, ang mga bali-balita hinggil sa di-umano'y pagtanggi ng kanyang bansa na makipag-ugnayan at makipagdiyalogo sa Biyetnam ukol sa kasalukuyang insidente sa Xisha Islands. Ani Yi, sapul nang maganap ang insidenteng ito, isinagawa na ng Tsina at Biyetnam ang mahigit 30 beses na diyalogo, at karamihan sa mga ito ay pinasimulan ng Tsina.
Ipinalalagay din ni Yi na ang pag-iimbento ng panig Biyetnames ng naturang mga bali-balita ay para sa paghaharap ng arbitrasyon hinggil sa insidente sa Xisha Islands. Dahil aniya, ang isang kondisyon upang maiharap ang isang arbitrasyon ay pagtanggi ng isang panig na makipag-ugnayan at makipagdiyalogo.
Salin: Liu Kai