|
||||||||
|
||
Si Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina
Ipinahayag kahapon ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina na ang pagdalaw sa Biyetnam ni Yang Jiechi, Kasangguni ng Estado, ay nagpapakita ng lubos na pagpapahalaga ng Tsina sa relasyon sa Biyetnam at katapatang maayos na lutasin ang pagtatalo sa isyung pandagat ng dalawang bansa sa pamamagitan ng pag-uugnayan.
Isinalaysay ni Hua na sa panahon ng naturang pagdalaw, kapwa nagpahayag ang Tsina at Biyetnam ng kahandaang panatilihin ang pag-uugnayan at gawin ang pagsisikap na pulitikal at diplomatiko, para makita ang maayos na solusyon sa kasalukuyang pagtatalo at mapahupa ang tensyon sa lalong madaling panahon.
Binigyang-diin din ni Hua na walang pagtatalo sa katotohanang ang Xisha Islands ay teritoryo ng Tsina, at lehitimo at makatwiran ang mga operasyon ng bahay-kalakal na Tsino sa karagatan ng mga islang ito.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |