Ipinahayag kahapon ng Tanggapan sa Ibayong Dagat ng Hong Kong Trade Development Council o HKTDC ng Tsina na malaki ang nakatagong lakas na pangkabuhayan ng ASEAN at India. Ipinalalagay ng HKTDC na mainam ang tunguhin ng kooperasyon pangkalakalan sa pagitan ng HK at ASEAN at HK at India, lalo na sa larangan ng kalakalan ng serbisyo.
Tinukoy ni Zhao Yan, Chief Representative ng HKTDC sa Timog -silangang Asya at India, na kung magiging tagumpay ang talastasan ng HK at ASEAN, ito ay makakapagpasulong nang malaki sa Industriya ng Kakalalan ng Serbisyo ng HK.
Salin:Sarah