|
||||||||
|
||
Sa porum sa kooperasyong pandagat ng Tsina at Gresya na idinaos kahapon sa Athens, inilahad ni Premyer Li Keqiang ng Tsina ang ideya ng kanyang bansa sa mga isyu ng dagat at sinabi niyang nakahanda ang Tsina, kasama ng iba't ibang bansa ng daigdig, na pasulungin ang kapayapaan, kooperasyon, at harmonya sa karagatan.
Kaugnay ng "kapayapaan," ipinahayag ni Li ang pag-asang maitatatag ang mapayapa at matiwasay na kaayusang pandagat. Nakahanda aniya ang Tsina na palakasin ang pakikipag-ugnayan at pakikipagtulungan sa iba't ibang bansa, at pabutihin ang mga bilateral at multilateral na mekanismo, para magkakasamang mapangalagaan ang malaya at matiwasay na nabigasyon sa dagat, mabigyang-dagok ang mga pirata at terorismong pandagat, at maharap ang mga kalamidad sa karagatan.
Kaugnay naman ng "kooperasyon," sinabi ni Li na nakahanda ang Tsina, kasama ng iba't ibang bansa, na itatag ang kooperatibong partnership na pandagat, at palakasin ang kooperasyon sa pagpapaunlad ng kabuhayang pandagat at paggamit ng mga yamang-dagat.
Pagdating naman sa harmonya, ani Li, pinaninindigan ng Tsina ang sustenableng pag-unlad ng karagatan, at nananawagan sa iba't ibang bansa na pangalagaan ang ekolohiya at kapaligirang pandagat.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |