Ipinatalastas kahapon ni Pangulong Petro Poroshenko ng Ukraine ang 7-araw na pagsusupendi ng operasyong militar mula araw ring iyon sa silangang bahagi ng bansa. Ito aniya ay para sumuko sa tropang pampamahalaan ang mga lokal na milisya.
Pero, nauna rito, mainitan pa rin ang sagupaan sa mga lugar sa silangang Ukraine. Patuloy na kinukubkob ng tropang pampamahalaan ang lunsod ng Sloviansk, at isinagawa ang air raid sa kalunsuran nito na ikinamatay ng di-kukulangin sa tatlong sibilyan. Sinalakay naman ng mga lokal na armadong tauhan ang isang base ng tropang pampamahalaan na malapit sa Sloviansk, at nasamsaman ang maraming sandata at kasangkapang militar doon.
Sa isang may kinalamang ulat, pinabulaanan kahapon ng Rusya ang umano'y pagtitipong militar sa hanggahan nila ng Ukraine. Sinabi ng presidential spokesman ng Rusya na isinagawa lamang ng bansang ito ang mga hakbangin ng pagpapalakas ng seguridad sa hanggahan.