Natapos kahapon sa Vienna ang ikalimang round ng talastasan hinggil sa isyung nuklear ng Iran.
Sa limang araw na talastasang ito, sinimulan na ng Iran at anim na bansa na kinabibilangan ng Amerika, Britanya, Pransya, Rusya, Tsina, at Alemanya, ang pagbuburador ng komprehensibong kasunduan hinggil sa isyung nuklear ng Iran.
Sinang-ayunan din ng iba't ibang panig na idaraos ang susunod na round ng talastasan sa ika-2 ng darating na Hulyo, at gagawa pa ng pagsisikap para marating ang naturang kasunduan bago ang ika-20 ng Hulyo.