|
||||||||
|
||
Buong pagkakaisang ipinahayag ng Amerika, Alemanya at Pransya ang mainit na pagtanggap sa isang planong pangkapayapaan na ipinalabas ni Pangulong Petro Poroshenko ng Ukraine noong ika-20 ng buwang ito.
Ang pangunahing nilalaman ng naturang plano ay kinabibilangan ng pagtatatag ng isang 10 kilometrong buffer zone sa lugar na panghanggahan ng Ukraine at Rusya, paglikas ng mga sibilyang sandatahang lakas mula sa Donetsk at Luhansk Oblast, pagdidis-arma ng mga ilegal na sandatahang lakas, at pagpapanumbalik ng takbo ng mga pamahalaang lokal sa naturang dalawang lugar.
Bukod dito, ipinahayag ni Poroshenko na ititigil ang putukan ng tropa ng pamahalaan sa dakong silangan ng bansa mula ika-20 hanggang ika-27 ng buwang ito.
Kaugnay nito, ipinahayag ng White House na kung hindi magsasagawa ang Rusya ng mga hakbangin para mahahupa ang tensyon sa pagitan nito at Ukraine, magpapataw ang Amerika ng mas mahigpit na sangsyon sa Rusya.
Samantala, ipinahayag kahapon ni Sergei Lavrov, Ministrong Panlabas ng Rusya, na walang masusing nilalaman ang plano ni Poroshenko na gaya ng pagdaraos ng talastasan at diyalogong pangkapayapaan. Ito aniya ay lumalabag sa prinsipyo ng Geneva agreement na narating noong ika-17 ng April hinggil sa paglutas sa krisis sa Ukraine.
Ayon sa nasabing dokumento, dapat agarang isagawa ng pamahalaan ng Ukraine ang diyalogong pangkapayapaan na sumasaklaw ng lahat ng mga lugar at paksyong pulitikal ng bansa para marating ang nagkakaisang posisyon sa pagrereporma sa konstitusyon.
Nanawagan siya sa pamahalaan ng Ukraine na aktuwal na isakatuparan ang Geneva agreement para lutasin ang kasalukuyang krisis sa pamamagitan ng paglahok ng lahat ng mga lugar ng bansang ito.
Bukod dito, sinuportahan ni Pangulong Vladimir Putin ng Rusya ang kapasiyahan ng pamahalaan ng Ukraine sa pagtigil-putukan. Pero tinukoy din niya na kahit isinapubliko ni Poroshenko ang tigil-putukan, hindi rin ito nagpahinto sa sagupaan sa dakong silangan ng Ukraine, at inaakate pa rin ang teritoryo ng Rusya ng bomba mula sa Ukraine.
Biniyang-diin ni Putin na ang paraan ng paglutas sa krisis ng Ukraine ay dapat batay sa Geneva agreement.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |