|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||

Sa Ehipto — Ipinahayag kahapon ni John Kerry, Kalihim ng Estado ng Estados Unidos, na patuloy na magkakaloob ang kanyang bansa ng tulong sa Ehipto para mapasulong ang pag-unlad ng estratehikong relasyon ng dalawang bansa sa mas malawak na direksyon.
Ayon kay Kerry, ang naturang tulong sa Ehipto ay may kinalaman sa mga aspektong kinabibilangan ng ekonomiya, pagpapasulong ng proseso ng transisyon, at iba pa.
Idinagdag pa niya na may komong palagay ang Amerika at Ehipto sa aspekto ng pagharap sa krisis ng rehiyon. Magkasama aniyang magsisikap ang dalawang panig para harapin ang banta mula sa ekstrimismo at terorismo.
Salin: Li Feng
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |