Ipinahayag kahapon dito sa Beijing ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina ang paghimok sa panig Hapones na tumpak na pakitunguhan at malalimang pagsisihan sa kasaysayan ng pananalakay. Sinabi rin niyang dapat matapat at responsableng sundan ng Hapon ang Kono Statement at ibang pangako nila sa komunidad ng daigdig.
Ayon sa ulat, isinapubliko kamakailan ng pamahalaang Hapones ang resulta ng pagsusuri sa Kono Statement at ipinahayag ng namamahalang tauhan ng investigation group na ang pakikinig sa testimonya ng mga comfort women sa panahong iyon ay para maipakita lamang ang pakikiramay.