Pinawalang-bisa kahapon ng Kataas-taasang hukuman ng Pakistan ang desisyong ginawa kamakailan ng hukuman sa lalawigang Sindh na alisin ang pagbabawal kay dating Pangulong Pervez Mushharaf na magpunta sa ibang bansa.
Anang Kataas-taasang Hukuman, bilang akusado sa ilang kaso, si Mushharaf ay kasalukuyang nasa "hold departure list" ng pamahalaan. Sa isang aplikasyon sa hukuman ng lalawigang Sindh, noong Abril, hiniling ni Mushharaf na alisin siya sa naturang listahan dahil gusto niyang magpagamot sa ibang bansa, at dalawin ang kanyang nanay na kasalukuyang nagpapagaling sa Unite Arab Emirates(UAE). Tinanggap naman ito ng hukuman ng lalawigang Sindh.