Pinabulaanan kahapon ng Ministring Panlabas ng Malaysia ang nakagawiang paglalakip sa bansa ng Estados Unidos sa listahan ng "Human Trafficking Center." Hinihiling din ng bansang ito sa Amerika na muling tasahin ang ginagawang pagsisikap ng Malaysia sa pagbibigay-dagok sa human trafficking.
Ayon sa isang pahayag na ipinalabas kahapon ng naturang ministri, nitong dalawang taong nakalipas, bunga ng pagsasagawa ng Malaysia ng mga aktuwal na hakbangin, napaliit ang mga kaso ng human trafficking at smuggling. Ang mga impormasyon sa nasabing ulat ng Amerika ay ipinagkaloob ng kaduda-dudang organisasyon, at hindi tumpak ang mga ito, dagdag pa ng nasabing ministri.
Salin: Li Feng