|
||||||||
|
||
Sa Nairobi, Kenya — Binuksan kahapon ang kauna-unahang UN Environment Assembly (UNEA) na dinaluhan ng mahigit 1,200 kinatawan mula sa mga pamahalaan, sirkulong komersyal, at organisasyong di-pampamahalaan. Tatalakayin ng mga kalahok ang mga temang kinabibilangan ng sustenableng pag-unlad, pangangalaga sa ligaw na hayop, berdeng ekonomiya, at iba pa.
Dadalo sa naturang pulong si Zhou Shengxian, Ministro ng Pangangalaga sa Kapaligiran ng Tsina.
Ang nasabing pulong ay idinaraos hanggang sa ika-27 ng buwang ito.
Salin: Li Feng
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |