|
||||||||
|
||
Sa kanyang liham na ipinadala kamakailan sa Serbisyo Filipino ng Radyo Internasyonal ng Tsina (SF-RIT), ipinaabot ni Embahador Erlinda F. Basilio, Sugo ng Pilipinas sa Tsina, ang pasasalamat sa pakikipagtulungan ng nasabing serbisyo upang maging matagumpay ang "Tanghalian at Konsiyerto ng Pagkakaibigan."
Ang nasabing pagtitipon ay magkasamang idinaos ng dalawang panig noong Ika-8 ng Hunyo, 2014 sa Pasuguan ng Pilipinas sa Beijing bilang pagdiriwang sa Ika-13 Anibersaryo ng Pagkakaibigang Sino-Filipino at Ika-39 na Anibersaryo ng Pagkakatatag ng Relasyong Sino-Pilipino.
Sa kanyang liham, pinasalamatan ni Basilio ang buong SF-RIT sa kanilang mainam na konseptuwalisasyon, organisasyon, at implementasyon ng mga gawain para sa naturang kaganapan.
Sinabi pa ng embahador Pilipino, na laging susuportahan ng Pasuguan ng Pilipinas sa Beijing ang mga programa at aktibidad ng SF-RIT.
Ipinahayag din ni Basilio ang pag-asang magkakaroon pa ng maraming kolaborasyon ang Pasuguan ng Pilipinas sa Beijing at SF-RIT sa hinaharap.
/end/rhio//
Narito ang kopya ng liham ni Embahador Basilio
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |