Ayon sa Pathet Lao News Agency kamakalawa, nagpadala kamakailan ang Ministring Panlabas ng Laos ng opisyal na mensahe sa Embahadang Biyetnames sa Laos tungkol sa situwasyon ng South China Sea (SCS). Nanawagan ito sa Biyetnam na mag-adhere sa Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea (DOC).
Ayon sa naturang mensahe, ipinalalagay ng Laos na ang SCS ay isang mahalaga at sensitibong rehiyon, kaya may napakalaking katuturan ang pangangalaga at pagpapasulong ng kapayapaan, katatagan, at pagtutulungan sa rehiyong ito. Anito pa, nanawagan ang Laos sa iba't-ibang may-kinalamang panig na magtimpi at iwasan ang anumang aksyong posibleng magpapa-igting sa situwasyon para malutas ang isyung ito sa mapayapang paraan.
Salin: Li Feng