|
||||||||
|
||
Nanawagan kahapon si Punong Ministro Nuri Kamal al-Maliki ng Iraq, na ayon sa "Road Map" na itinatadhana ng konstitusyon, pasulungin ang prosesong pulitikal ng bansa. Tinanggihan din niya ang mungkahing iniharap ng oposisyon na magbitiw sa tungkulin ang kasalukuyang pamahalaan at bumuo ng "Government of National Salvation."
Nauna rito, ilang personaheng Iraqi na kinabibilangan nina Osama al-Nujaifi, Tagapangulo ng dating Pambansang Asemblea, at dating Punong Ministro Ayad Allawi ng bansang ito, ang nanawagan sa kasalukuyang pamahalaan na magbitiw sa tungkulin at buuin ang "Government of National Salvation" para harapin ang kasalukuyang banta mula sa sandatahang lakas na kontra-gobyerno.
Sa isa namang pahayag na ipinalabas nang araw ring iyon ng tanggapan ni Khudhayer Al-Khuzaie, Pangalawang Pangulo ng Iraq, sinabi niya na ipinangako ng pangulo na pasulungin ang prosesong pulitikal ng bansa sa loob ng "Time Frame" na itinatadhana ng konstitusyon. Sa loob ng darating na dalawang araw, magpapalabas ang pangulo ng kautusan na humihiling sa bagong Pambansang Asemblea na idaos ang kauna-unahang pulong.
Salin: Li Feng
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |