Ayon sa impormasyong nakuha ng panig Tsino, hindi totoo ang ulat ng American media na nagsasabing nagbayad na ang Biyetnam ng mahigit pitong milyong Dolyares na kompensasyon sa mga dayuhang bahay-kalakal, na kinabibilangan ng mga bahay-kalakal mula sa Chinese mainland at Taiwan, dahil sa kani-kanilang kapinsalaang dinulot ng kaguluhan sa Biyetnam noong isang buwan.
Napag-alamang hanggang sa kasalukuyan, nakuha lamang ng mga apektadong bahay-kalakal ng mainland ng Tsina ang halos 220 libong Dolyares na bahagyang kompensasyon mula sa insurance company ng Biyetnam, at ang halagang ito ay malayo sa kani-kanilang kapinsalaan. Kabilang dito, sinabi kamakalawa sa media ng namamahalang tauhan ng China Metallurgical Group na umabot sa mahigit 100 milyong Dolyares ang direct at consequential loss ng mga bahay-kalakal ng grupong ito sa nabanggit na kaguluhan sa Biyetnam.
Salin: Liu Kai