Kahapon, Pandaigdigang Araw ng Pakikibaka Laban sa Droga, ipinahayag sa Bangkok ni Rachanikorn Sarasiri, Pangalawang Pangkalahatang Kalihim ng Office of Narcotics Control Board(ONCB) ng Thailand na, masalimuot ang kasalukuyang kalagayan ng droga sa buong mundo, at dapat pahigpitin ng komunidad ng daigdig ang pagtutulungan sa usaping ito.
Sinabi niyang mabunga ang pagtutulungan ng Tsina at Thailand sa pakikibaka laban sa paggawa at pagbebenta ng droga, at pahihigpitin pa ng dalawang panig ang kooperasyon sa pagbibigay-dagok sa krimeng ito.