Idinaos kagabi sa Yangon ng Ministring Panlabas ng Myanmar ang isang resepsyon bilang pagdiriwang sa ika-60 anibersaryo ng pagpapatalastas ng "Limang Prinsipyo ng Mapayapang Pakikipamuhayan."
Sa resepsyong ito, sinabi ni Thant Kyaw, Pangalawang Ministrong Panlabas ng Myanmar, na igigiit ng kanyang bansa, Tsina, at Indya, tatlong bansang nagpalabas ng Limang Prinsipyo ng Mapayapang Pakikipamuhayan, ang mga simulaing ito. Ito aniya ay para isakatuparan ang kooperasyong may win-win na resulta, at itaguyod ang multi-polarisasyon ng daigdig.
Lumahok din sa naturang resepsyon ang mga diplomata ng Tsina at Indya sa Myanmar.