Pinuna kahapon ng mga media ng Hapon ang panukalang resolusyon ng pamahalaan hinggil sa pag-aalis ng pagbabawal sa collective self-defence.
Sinabi ng pahayagang Mainichi Shinbun na hindi malinaw ang mga kondisyong iniharap sa resolusyon para gumamit ng collective self-defence.
Tinukoy naman ng pahayagang Asahi Shimbun na hindi makatwiran ang mga dahilan sa resolusyon sa pag-aalis sa pagbabawal sa collective self-defence.
Sinabi naman ng pahayagang Tokyo Shimbun na ang esensya ng naturang resolusyon ay pagpapahintulot sa sandatahang lakas ng Hapon na gumamit ng dahas sa ibayong dagat. Dagdag pa ng pahayagan, tumututol dito ang maraming mamamayang Hapones, at mapanganib din ito para sa Hapon.